Isang araw kumain ang tatlong magkakaibigan na Caviteño, Kapampangan at Ilocano sa isang Restaurant Malapit sa Baywalk. Umorder sila ng Tatlong Lugaw at Tatlong Softdrinks! Dahil mahilig si Caviteño sa Pustahan, naisipan niyang idaan sa Pustahan kung sino ang magbabayad ng kanilang mga Kinain.
Caviteño: Mga Pare, may naisipan akong magandang Paraan kung sino ang magbabayad ng mga Kinain natin!
Kapampangan: Ano Yon?
Caviteño: Sabay- sabay tayong Sisisid sa Dagat, Kung sino ang unang lumitaw sa ating tatlo, siya ang magbabayad ng kinain nating Lugaw at Softdrinks.
Ilocano: Kol ako diyan!
Kapampangan: Ako rin siyempre:
Sabay - Sabay na silang tatlong lumusong sa Dagat, Nung nasa tubig na sila.
Caviteño: Ano ready na ba kayo mga Igan?
Ilocano: Ok game na ako!
Kapampangan: Sige umpisahan na natin!
Sabay -sabay silang bumilang ng 1..2..3 sabay lumubog sa tubig ang tatlo! makaraang ang isang minuto, biglang umahon si Kapampangan....
Kapampangan: Di baleng ako na ang magbayad wag lang akong malunod, tutal mura lang naman yun!
Makalipas ang Dalawang Minuto si Caviteño naman ang biglang Lumitaw.
Caviteño: (Di ko na kaya) Biglang lumitaw sa pagkakalubog...
Makalipas ang talong Minuto, Lima, Sampu at hanggang umabot ang 30 minuto di parin Lumilitaw si Ilocano.... Nagtataka na ang Dalawa!
Kapampangan: Pare, iba na ang kkutob ko!
Caviteño: Ako rin pare! Sisirin na nga natin siya!
Sumisid ang Dalawa, Laking gulat nila nung Makita si Ilocano na Nakapit sa Bato at ito' y Patay na... Tsk....Tsk....Tsk..... kawawang Ilocano, mas ginusto niya pa ang Mamatay kaysa magbayad ng mga nakain nila!
Joke lang po at walang Personalan! Bato -bato sa Langit ang Tamaan ay Pangit at Adik! Di naman po cguro lahat ng Ilocano ay kuripot! muli, Joke Joke Joke!
No comments:
Post a Comment